Filed under: Personals
Finally, i am back. This is truly liberating. After a long, long while. Being pregnant, giving birth, becoming a mom, found a job, busy at it. How does one find time reconnecting to one’s Self again? You just have to!
In the haze of things, you change, you achieve your short term goals. But, always go back to your homey Self. There is always a tomorrow for all things. Lead and live a balanced life. For what is life about? It is the freedom to be your Self, achieve your fullest potentials, and in this widening circle, help others achieve theirs too.
Take it easy. Relax. Life is too short. And yet it is too long.
Marahil ang mga tao ngayon ay iniisip kung ano ang susunod nilang gagawin para mabuhay o para kumita pa ng mas malaki para naman maging komportable o maayos sa buhay. Ang pinakamabilis na paraan: umalis ng Pilipinas, magtrabaho o maghanap ng kasintahan sa internet, o gumawa ng negosyo. Ngyek, pera pa rin ang karugtong. Pero wow, sa totoo lang, ang bigat no’n. Ano kaya . . .
Teka, teka. Pagaanin naman natin ang palaisipan. He he. Subukan naman kaya natin ang isipin kung anong meron tayo sa kasalukuyan, habang gumagawa ng paraan para umangat. O ‘di ba, ang saya?
Nitong May lang naglakbay pulo kami ng aking irog. Hee hee. Bagong kasal lang kami nung March, at ito na ang pangalawang honeymoon namin. Ang talagang plano namin ay lumibot ng buong Pilipinas. Naku, kulang ang panahon. At, gaano ba ang kailangan para sa lakbay na ‘yon?
Yun lang. Masuwerte ako dahil ang naging trabaho ko ay umikot ng Pilipinas para makipag-usap sa samu’t saring tao tungkol sa amnestiya para sa mga kapatid nating nagrebelde. Ang saya, ‘di ba? Kaya nga nung una, ayos lang ang mag-”travel”. Noon, alam ko din namang mahirap magbiyahe kung limitado ang budget. Kaya yun nga ang ginawa namin ng aking kabiyak, ang maglakbay sa sampung (10) lalawigan sa loob ng dalawampu’t isang (21) araw.
Ngayon, puwede na kaming magbahagi sa inyo, kung papaano, na makita at maranasan ang ganda ng bawat lugar. Mga lugar na nakikita nyo lang sa tv. Ano kaya kung pumunta tayo don?