Ang Pilipinas: Lakbay at Kalagayan


Kamusta na, Pilipinas?
July 6, 2006, 3:01 am
Filed under: Personals, The People in the Philippines, Travel

water-lilies.jpg Marahil ang mga tao ngayon ay iniisip kung ano ang susunod nilang gagawin para mabuhay o para kumita pa ng mas malaki para naman maging komportable o maayos sa buhay. Ang pinakamabilis na paraan: umalis ng Pilipinas, magtrabaho o maghanap ng kasintahan sa internet, o gumawa ng negosyo. Ngyek, pera pa rin ang karugtong. Pero wow, sa totoo lang, ang bigat no’n. Ano kaya . . .

Teka, teka. Pagaanin naman natin ang palaisipan. He he. Subukan naman kaya natin ang isipin kung anong meron tayo sa kasalukuyan, habang gumagawa ng paraan para umangat. O ‘di ba, ang saya?

Nitong May lang naglakbay pulo kami ng aking irog. Hee hee. Bagong kasal lang kami nung March, at ito na ang pangalawang honeymoon namin. Ang talagang plano namin ay lumibot ng buong Pilipinas. Naku, kulang ang panahon. At, gaano ba ang kailangan para sa lakbay na ‘yon?

Yun lang. Masuwerte ako dahil ang naging trabaho ko ay umikot ng Pilipinas para makipag-usap sa samu’t saring tao tungkol sa amnestiya para sa mga kapatid nating nagrebelde. Ang saya, ‘di ba? Kaya nga nung una, ayos lang ang mag-”travel”. Noon, alam ko din namang mahirap magbiyahe kung limitado ang budget. Kaya yun nga ang ginawa namin ng aking kabiyak, ang maglakbay sa sampung (10) lalawigan sa loob ng dalawampu’t isang (21) araw.

Ngayon, puwede na kaming magbahagi sa inyo, kung papaano, na makita at maranasan ang ganda ng bawat lugar. Mga lugar na nakikita nyo lang sa tv. Ano kaya kung pumunta tayo don?



Sunset
July 4, 2006, 4:55 am
Filed under: Travel

  Sunset   Breathtaking. Find it. Anywhere in the world.